Pagpapahigpit ng diyalogo at kooperasyon ng UNHRC, hiniling ng mga umuunlad na bansa

2019-03-08 17:40:38 CRI

Sa ngalan ng aabot sa 50 umuunlad na bansa, inilabas nitong Huwebes, Marso 7, local time, ni Yu Jianhua, Kinatawan ng Tsina sa United Nations Office sa Geneva (UNOG) ang magkasanib na pahayag bilang panawagan sa pagpapahigpit ng diyalogo at kooperasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), sa ika-40 pulong ng UNHRC.

Sa pahayag, umaasa ang mga umunlad na bansa na tatalima sa Karta ng UN ang UN Human Rights Commissioner at kanyang opisina, para magsagawa ng mga gawain sa paraang pantay, makatwiran, obdyektibo at konstruktibo.

Ipinahayag din nila ang patuloy na suporta sa UNHR commissioner at kanyang opisina para magkakasamang mapasulong ang usapin ng karapatang pantao ng daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino