Mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina, ibayo pang palalawakin ang pagbubukas

2019-03-10 11:07:27 CRI

Ipinahayag Sabado, Marso 9, 2019 sa Beijing ni Xiao Yaqing, Direktor ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina ay pangunahing bahagi ng kompetisyon sa pamilihan, tulad ng iba pang mga bahay-kalakal. Ibayo pang pasusulungin aniya ang reporma ng mga bahay-kalakal na ari ng estado, ayon sa regulasyon ng pamilihan at tunguhin ng pagsasapamilihan.

Dagdag niya, pag-iibayuhin ng mga bahay-kalakal na ari ng estado at sentral na bahay-kalakal ang pagbubukas, at hahanapin ang mas maraming pagkakataon ng kooperasyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino