Pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa kabuhaya't kalakalan, nagkaisa ng palagay sa maraming isyung may kinalaman sa exchange rate

2019-03-10 15:05:03 CRI

Isiniwalat Linggo, Marso 10, 2019 sa Beijing ni Yi Gang, Presidente ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, na sa proseso ng katatapos na ika-7 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyu ng kabuhaya't kalakalan, tinalakay ng kapuwa panig ang isyu ng exchange rate, at narating ang komong palagay sa maraming masusi't mahalagang isyu.

Winika ito ni Yi sa isang news briefing ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

Diin ni Yi, ang isyu ng exchange rate ay palagiang mahalagang isyu ng mga bilateral at multilateral na plataporma na gaya ng G20 at International Monetary Fund. Matagal aniya din ang pagtalakay ng Tsina at Amerika sa isyung ito.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino