Puno ng PBOC: hindi gagamitin sa kompetisyon ang exchange rate ng RMB

2019-03-10 16:04:56

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Yi Gang, Puno ng The People's Bank Of China o PBOC, na hindi gagamitin sa kompetisyon ang exchange rate ng RMB, at hindi gagamitin ito bilang tool ng alitang pangkalakalan. Ipinapasulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas ng pamilihang pinansiyal ayon sa schedule ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.

Kasabay nito, ipinahayag rin niya na hindi mababago ang matatag na patakaran ng pananalapi.

Hinggil sa isyu ng exchange rate ng RMB, ipinahayag ni Yi Gang na ang pagsisikap ng Tsina at mga bungang natamo ng Tsina sa pagpapanatili ng katatagan ng exchange rate ng RMB sa magkabalanseng lebel ay kinikilala ng buong daigdig. Binigyan-diin rin niyang na dapat elastiko ang exchange rate ng RMB pero hindi gagamitin ito sa layon ng kompetisyon.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino