Xi Jinping: manatiling matapat sa proseso ng pagpapaunlad ng real economy

2019-03-10 21:55:08 CRI

Sa panahon ng kanyang pagdalo Linggo, Marso 10, 2019 sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, hinangaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang daputado ng NPC mula sa isang pribadong bahay-kalakal na si Ding Shizhong

Si Ding ay Board Chairman at CEO ng Anta Sports, ika-3 pinakamalaking bahay-kalakal ng kagamitang pampalakasan sa buong mundo, kung kabuuang halaga ng pamilihan ang pag-uusapan. Noong 2001, di-kukulangin sa 300 milyong yuan RMB ang kita ng Anta Sports, at tumaas sa 24.1 bilyong yuan RMB ang kita nito noong 2018.

Pagkaraang pakinggan ang karanasan ni Ding sa pagpapaunlad ng kompanya, sinabi ni Pangulong Xi na dapat manatiling matapat at masigasig sa proseso ng pagpapaunlad ng ang real economy.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino