Xi Jinping: igarantiyang hindi mahuli ang mga lumang rebolusyonaryong sona sa komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan

2019-03-10 22:57:57 CRI

Nang dumalo Linggo, Marso 10, 2019 sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Aniya, hinding hindi dapat makalimutan ang mga mamamayan sa mga lumang rebolusyonaryong sona, at igarantiyang hindi mahuli ang mga sonang ito, sa proseso ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan.

Ang Fujian ay isa sa mga kilalang lumang rebolusyonaryong sona sa Tsina. Sa panahon ng digmaan noong nagdaang siglo, napakalaking ambag ang ginawa ng mga sonang ito para sa pagtatatag ng bagong Tsina, bilang base ng rebolusyon ng Partido Komunistan ng Tsina (CPC).

Sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, maraming beses na naglakbay-suri sa mga lumang rebolusyonaryong sona si Xi Jinping, para kamustahin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino