Tsina, isusulong ang bansang inobatibo

2019-03-11 15:41:01 CRI

Nangako ang Tsina na pabibilisin ang pagpapasulong ng bansa upang maging inobatibo.

Winika ito ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag ngayong araw sa Beijing sa sidelines ng idinaraos na taunang sesyong lehislatibo ng bansa.

Si Wang Zhigang

Layon aniya ng Tsina na humanay sa mga inobatibong bansa pagdating ng taong 2020. Para maisakatuparan ang nasabing layunin, patuloy na pag-iibayunin ng Tsina ang laang gugulin sa simpleng pananaliksik o basic research. Kasabay nito, pabubutihin ng bansa ang mga batas, patakaran, at kapaligiran para matugunan ang pangangailangan ng mga mananaliksik, dagdag pa ni Wang.

Isang perception machine habang nakikipag-interaksyon sa isang bisita sa lugar ng pinagdausan ng 2018 Summer Davos Forum, sa Tianjin Municipality, Setyembre 17, 2018. (Larawan: VCG)

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino