Mga ang mga mungkahi hinggil sa Belt and Road, iniharap ng mga Kagawad ng CPPCC

2019-03-11 18:49:27

Ayon sa Government Work Report na ini-ulat kamakailan ni Premyer Li Keqiang sa Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), patuloy na pasusulungin ang Belt and Road Initiative (BRI), igigiit ang ekstensibong konsultasyon, palalakasin ang magkakasamang kontribusyon at pinagbahaginang benepisyo, patitingkarin ang pangunahing papel ng mga bahay-kalakal, at pasusulungin ang malusog at maayos na pag-unlad ng pamumuhunan at kooperasyong pandaigdig. Hinggil dito, tinalakay at iniharap ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ang mga mungkahi.

Ipinahayag ni Li Jianhong, Kagawad ng CPPCC at Tagapangulo ng China Merchants Group, na ang konstruksyon ng rehiyong pangkooperasyon ng kabuhayan at kalakalan sa ibayong dagat ay nasa yugto ng pag-aralan at paggagalugad. Ang rekonstruksyon at pag-a-upgrade ay bagong tungkuling dapat kaharapin, aniya pa.

Winika naman ni Zhang Zhanbin, Kagawad ng CPPCC at Direktor ng Departamento ng Kabuhayan ng China National School of Administration na mahalaga ang serbisyong pinansyal sa konstruksyon ng rehiyong pangkooperasyon ng kabuhayan at kalakalan sa labas ng bansa. Iminungkahi niyang itakda ang mga hakpangin para malutas ang kahirapan ng pagtipun-tipon ng pondo ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa ibayong dagat.

Salin:Lele



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino