Lider Tsino, nakikiramay sa pagbagsak ng eroplano ng Ethiopian Airlines

2019-03-12 10:56:54 CRI

Ipinadala Marso 11, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kina Pangulong Sahle-Work Zewde ng Ethiopia at Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya, bilang pakikiramay sa pagbagsak ng eroplanong pampasahero ng Ethiopian Airlines.

Ipinahayag ng Pangulong Tsino na nakikiramay ang pamahalaan at lahat ng mga mamamayan ng Tsina sa pangyayaring ito. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang pamahalaan ng Ethiopia sa maayos na paghawak sa mga may-kinalamang bagay, at magbibigay-tulong ang pamahalaang Tsino hinggil dito.

Nang araw ring iyon, ipinadala rin ang mensahe ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Abiy Ahmed ng Ethiopia.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino