Balangkas na Batas sa Pamumuhunang Dayuhan, sinusuri ng Tsina

2019-03-14 09:06:57 CRI

Nakatakdang suriin ngayong hapon ng punong lehislatura ng Tsina ang Balangkas na Batas sa Pamumuhunang Dayuhan at iba pang mga balangkas na batas.

Kasalukuyang idinaraos ang ikalawang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa. Ang pagsusuri sa nasabing mga balangkas na batas ay pangunahing agenda ng kasalukuyanng taunang sesyong lehislatibo ng Tsina.

Ayon sa bagong batas sa pamumuhunang dayuhan, magtatamasa ang mga mamumuhunang dayuhan ng pre-established national treatment at negative list management system. Ito ay kapalit ng case-by-case approval management mode. Ibig sabihin, nakasaad sa negative list ang mga larangan kung saan ipagbabawal o lilimitahan ang puhunang dayuhan. Samantala, ang mga sektor at industriyang wala sa naturang listahan ay ganap na bukas, ibig sabihin, ang mga bahay-kalakal na Tsino't dayuhan ay bibigyan ng parehong trato.

Ngayong umaga naman, nakatakdang suriin ng mga mambabatas na Tsino ang government work report, pambansang plano para sa taong 2019, at pambansang budget.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino