Umaasang magsisikap ang ibat-ibang panig para sa pampulitikang paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea-Tagapagsalitang Tsino

2019-03-14 10:52:36 CRI

Ipinahayag Marso 13, 2019 sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Peninsula ng Korea ay mapayapang malulutas lamang sa pamamagitan ng diyalogong pampulitika. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang ibat-ibang panig para rito.

Winika ito ni Lu bilang tugon sa pahayag ng mga artikulong inilathala kamakailan ng ilang DPRK media hinggil sa pagsasakatuparan ng complete denuclearization ng bansa. Sinabi nilang ito ay magsisilbing matatag na paninindigan ng bansa para sa pagtatayo ng new DPRK-US relations, pangmatagalang mekanismong pangkapayapaan, at pagsasakatuparan ng denuklearisasyon ng Peninsula ng Korea. Samantala, ipinahayag din ni Moon Chung-in, Sugo ng Pangulo ng ROK, ang pag-asang unti-unting pasusulungin ng Amerika ang denuklearisasyon, dahil, ang “denuclearization at one go” strategy ay hindi makakatulong sa pagsira sa impasse sa talastasan.

Sinabi ni Lu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga may-kinalamang panig para lutasin ang isyung ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino