Tsina, sinusubaybayan ang Ethiopian Airlines incident-Tagapagsalitang Tsino

2019-03-14 10:49:38 CRI

Hinggil sa bagong impormasyon kaugnay ng Ethiopian Airlines incident, ipinahayag Marso 13, 2019 sa regular na preskon sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng Ministring Panlabas at Embahada ng Tsina sa Ethiopia ang mga progreso ng kalagayan, at bibigyang-tulong ang mga pamilya ng walong nasawing pasaherong Tsino. Sinabi niyang naitatag na ng Embahadang Tsino sa Ethiopia ang pakikipag-ugnay sa mga employer at pamilya ng walong nasawing mamamayang Tsino para paayusin ang kanilang biyahe sa Ethiopia. Samantala, binuksan ng Embahadang Tsino ang 3 hotlines at isang tanggapang tagapag-ugnay sa hotel malapit sa paliparan para bigyang-tulong ang naturang mga pamilya. Aniya, natuklasan na ang dalawang black box ng eroplano, at kasalukuyang isinasagawa ang mga may-kinalamang imbestigasyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino