Pangalawang PM ng Thailand,binigyang-halaga ang panukulang Batas sa Dayuhang Pamumuhunan

2019-03-14 15:57:27

Nang kapanayamin kamakailan ng mga mediang Tsino hinggil sa ilang mahalagang isyu ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at  Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino o CPPCC, ipinahayag ni Dr. Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na binibigyang pansin ng pamahalaan ng Thailand ang NPC at CPPCC ng Tsina bawat taon, at mas malaking pansin ang nakatuon sa mga aktuwal na aksyon na isinagawa ng pamahalaan. Ipinahayag niya na ang aktuwal na aksyon pagkatapos ng NPC at CPPCC ay magdudulot ng pagbabago sa pag-unlad ng bansa at epekto sa buong daigdig, at ito ay mas mahalaga.


Ang Draft Foreign Investment Law ay isa sa mga mainit na topic ng NPC at CPPCC sa taong ito. Hinggil dito, ipinahayag ni Dr. Wissanu Krea-ngam na sa kasalukuyan, mabilis ang paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa Thailand, ang pagtatakda ng mga kinauukulang batas ng Tsina ay  mapupulot na karanasan para sa Thailand.


Bukod dito, pinapurihan ni Dr. Wissanu Krea-ngam ang napakalaking pagsisikap ng Tsina sa pagpapawi ng kahirapan.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino