Pakistan: hihimukin ang sirkulong komersyal na aktibong lumahok sa CPEC

2019-03-14 16:00:44


Ipinahayag kahapon sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ni Makhdoom Khusro Bakhtiar, Minister for Planning and Development ng Pakistan, na itatatag ng pamahalaan ang isang Komersyal na Porum ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC), na naglalayong himukin ang sirkulong komersyal ng Pakistan na aktibong lumahok sa pagtatatag ng CPEC.


Ayon sa koordinasyon ng Tsina at Pakistan, ang CPEC ay magkakaloob ng preferential policies sa mga larangan ng lipunan at may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Pakistan na kinabibilangan ng agrikultura, edukasyon, medisina, pagpapawi ng kahirapan, at iba pa.


Ayon sa pananaliksik ng isang lokal na Think Tank ng Pakistan, ang napakalaking benepisyong pangkabuhayan at napakaraming pagkakataon ng pag-unlad na hatid ng CPEC ay tiyak na magdudulot ng malaki at malawak na epekto sa buong Pakistan.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino