Kabuhayang Tsino, matatag ang takbo noong Enero at Pebrero

2019-03-14 19:59:31 CRI

Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Marso 2019, sa Beijing, ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na matatag ang takbo ng kabuhayan ng bansa noong Enero at Pebrero ng taong ito.

Nang araw ring iyon, inilabas ng naturang kawanihan ang mga estadistika ng kabuhayan na gaya ng mga halaga ng produksyon sa agrikultura, industriya, at sektor ng serbisyo, halaga ng kalakalang panlabas, bolyum ng foreign exchange reserve, Purchasing Managers' Index, Consumer Confidence Index, at iba pa; at mabuti ang lahat ng mga estadistikang ito. Mula sa mga ito, nakikita rin ang magandang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, dagdag pa ng nabanggit na tagapagsalita.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino