Ibang bansa, hindi dapat manghimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2019-03-15 11:34:07 CRI

Hinggil sa pagbatikos sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina sa 2018 Country Reports on Human Rights Practices na isinapubliko kamakailan ng US Department of State, ipinahayag Marso 14, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ito ng bansa. Hinihimok aniya ng Tsina ang panig Amerikano na alisin ang kanyang harang sa paningin, ituring ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina sa pantay at obdyektibong paraan, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng bansa.

Sinabi ni Lu na palaging pinahahalagahan ng Tsina ang usapin ng karapatang pantao, at malaking tagumpay ang natamo ng usaping ito sapul ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina, lalo nitong 40 taong nakararaan sapul ng pagsasagawa ng bansa ng reporma at pagbubukas sa labas. Ito aniya'y kinikilala ng komunidad ng daigdig. Sinabi niyang patuloy na tatahak ang mga mamamayang Tsino sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, para tamuin ang mas malaking tagumpay.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino