Li Keqiang: pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at T.Korea, makakabuti sa lahat ng tatlong panig

2019-03-15 15:47:34 CRI

Sa pagharap sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Marso 2019, sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa kasalukuyang kalagayang lumalala ang proteksyonismong pangkalakalan, ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea ay makakabuti sa lahat ng tatlong panig.

Dagdag ni Li, kailangang ilakip ang paksa ng pagpapasulong sa pagtatatag ng naturang malayang sonang pangkalakalan sa summit ng tatlong bansa na idaraos sa taong ito. Sinabi rin niyang, sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea at Regional Comprehensive Economic Partnership, kahit alinman ang mararating muna, positibo ang panig Tsino sa resultang ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino