Mga lider Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa mga lider ng New Zealand tungkol sa deadly mass shooting

2019-03-16 15:54:21 CRI

Kaugnay ng naganap na deadly mass shooting sa lunsod Christchurch, New Zealand, ipinadala nitong Biyernes, Marso 15, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Patsy Reddy, Governor-General ng New Zealand.

Sa mensahe, sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinaabot ng pangulong Tsino ang lubos na simpatiya at taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng New Zealand. Ipinahayag din niya ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima sa nasabing insidente.

Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino