Xi Jinping at mga estudyanteng Italyano, nagpalitan ng liham

2019-03-19 15:56:10 CRI

Nakipagpalitan kamakailan ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 8 estudyante ng Convitto Nazionale Vittorio Emanuele II, isang boarding school na matatagpuan sa Roma, Italya.

Sa kanilang liham kay Xi, isinalaysay ng mga estudyanteng Italyano ang kalagayan ng kanilang pag-aaral sa wikang Tsino. Sinabi nilang, ang Confucius Classroom program sa kanilang paaralan ay nagkakaloob ng pagkakataon, para magkaroon ng mas malalim na kaalaman hinggil sa Tsina, at maranasan ang cultural diversity ng buong daigdig. Ipinahayag din nila ang pananabik sa gagawing pagdalaw ng Pangulong Tsino sa Italya.

Sa liham naman bilang sagot, binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang determinasyon ng naturang mga estudyante na pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng mga kabataan ng Tsina at Italya, at palakasin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ini-enkorahe ni Xi ang mga estudyante na maging "cultural ambassador" sa pagitan ng Italya at Tsina sa bagong panahon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino