Punong Lehislador at Punong Tagapayong Pulitikal ng Tsina, nakipagtagpo kay Saysomphone Phomvihan ng LFNC

2019-03-20 17:10:49


Kahapon, Marso 19, sa Great Hall of the People dito sa Beiing, magkahiwalay sa nakipagtagpo sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), kay Saysomphone Phomvihan, Tagapangulo Komite Sentral ng Lao Front for National Construction (LFNC).


Sinabi ni Li Zhanshu na sa mula't mula pa'y, ang Tsina at Laos ay mabuting magkaibigan. Lubos pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Laos. Nakahanda ang Tsinan a magsikap, kasama ng Laos, para pasulungin ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), upang magdulot ng mas maraming kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Sinabi ni Wang Yang na nitong ilang taong nakalipas, isinagawa ng mga lider ng Tsina at Laos ang pagdalaw sa isa't isa, at narating ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagtatatag ng komunidad na may estrateghikong katuturan. Nakahanda ang CPPCC na magsikap, kasama ng LFNC, para isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Laos.


Sinabi ni Saysomphone Phomvihan na nakahanda ang kanyang bansa na itatatag, kasama ng Tsina, ang komunidad ng Tsina at Laos na may pinagbabahaginang kinabukasan. Nananalig siyang ang kooperasyon ng BRI ay tiyak na magdudulot ng malakas na puwersa ng pag-unlad ng Las. Nakahanda ang Laos na patuloy na palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa para pasulungin ang pangmalayuang, malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Laos.


Pagkatapos ng pag-uusap, sina Wang Yang at Saysomphone Phomvihan ay magkasamang lumahok sa seremoniya ng paglalagda ng Kasunduan ng Kooperasyon ng CPPCC at LFNC.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino