CRI Komentaryo: pagpawi sa kahirapan, masusing misyon na dapat mapagtagumpayan ng Tsina sa kasalukuyang taon

2019-03-20 19:35:02 CRI

Sa katatapos na mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), maraming beses na binanggit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isyu ng pagpawi sa kahirapan sa panahon ng kanyang pagdalo sa mga panel discussion ng mga delegasyong lokal. Ipinagdiinan niyang 2 taon lang ang natitirang panahon para matapos ang target ng Tsina sa pagpawi sa kahirapan. Dapat aniyang walang humpay na pabutihin ang mga kaukulang gawain, para maisaktupran ang target na komprehensibong itatatag ang may kaginhawahang lipunan sa taong 2020.

Ang pagpawi sa kahirapan ay pinakamalaking hamong kinakaharap ng buong mundo, at kapansin-pansin ang natamong bunga ng Tsina sa aspektong ito. Ayon sa estadistika ng World Bank (WB), kabilang sa bawat 100 mamamayang nai-ahon mula sa kahirapan sa buong mundo, mahigit 70 tao ang galing sa Tsina. Mula noong 1978 hanggang 2017, sa pamamagitan ng reporma, pagbubukas at pagpapaunlad ng kabuhayan, mahigit 700 milyong populasyon ng Tsina ang nakaahon sa pandaigdigang pamantayan ng kahirapan. Lampas sa 70% ang contribution rate ng Tsina sa usapin ng pagpawi sa kahirapan ng daigdig nitong nakalipas na 40 taon.

Pero sanhi ng maraming elementong gaya ng kasaysayan, kalikasan, populasyon, di-balanseng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon at iba pa, mahigit 10 milyong populasyon sa Tsina ang nagtitiis sa kahirapan. Alinsunod sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, 16.6 milyon ang mahirap na mamamayan sa kanayunan ng Tsina. Nangako ang pamahalaang Tsino na mahigit 10 milyon ang i-a-ahon mula sa kahirapan sa taong 2019. Masusing masusi ang pagsasakatuparan ng nasabing target, dahil ito ay may kinalaman sa kung matutupad o hindi ng Tsina ang target ng pag-aahon ng lahat ng mga mamamayan sa kahirapan, at komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa taong 2020.

Sa kanyang talumpati sa 2015 Global Poverty Reduction and Development Forum, tinukoy ni Pangulong Xi na ang darating na 15 taon ay masusing panahon para sa pag-unlad ng Tsina at ibang umuunlad na bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na pasulungin ang South-North Cooperation, palakasin ang South-South Cooperation, at ipagkaloob ang sapat na yaman at malaking lakas-panulak para sa pandaigdigang usapin ng pagpawi sa kahirapan. Ang mga signal na ipinadala sa mga taunang sesyon ng NPC at CPPCC sa kasalukuyang taon ay nagpapakita ng determinasyon at aksyon ng Tsina sa aspektong ito. Ang pagtatagumpay ng misyon ng pagpawi sa kahirapan ay hindi lamang pangako ng Tsina sa sarili nitong mga mamamayan, kundi bagong ambag din sa daigdig.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino