Pangulong Tsino, kinatagpo ang Presidente ng Harvard

2019-03-21 11:38:07 CRI

Kinatagpo nitong Miyerkules, Marso 20 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Lawrence Bacow, Presidente ng Harvard University. Nagkasundo silang ang lumalalim na pagpapalitang kultural at pang-edukasyon ay magpapasulong ng kabuuang relasyong Sino-Amerikano.

Ani Xi, ang pagdalaw ni Bacow ay kanyang unang biyahe sa labas ng Amerika sapul nang manungkulan bilang presidente ng Harvard, at ipinakikita nito ang pagpapahalaga niya sa pagpapalitang pang-edukasyon sa pagitan ng Tsina at Amerika. Hinihikayat aniya ng Tsina ang mutuwal na pagtututo, at pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon sa iba't ibang bansa. Sinusuportahan din ang mga estudyanteng Tsino na mag-aral sa ibayong dagat at napakalaki ng ambag ng mga estudyanteng nag-aral sa labas at bumalik sa inang-bayan.

Sinabi naman ni Bacow na dumadalaw siya sa Tsina hindi lamang bilang presidente ng Harvard, kundi bilang kinatawan ng mga unibersidad ng Amerika, para mapasulong ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungang pang-edukasyon sa Tsina.

Ipinagmamalaki rin ni Bacow ang malaking bilang ng mga mag-aaral na Tsino sa Harvard. Nangako siyang patuloy na pasusulungin ng kanyang unibersidad ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga institusyon ng edukasyon at pananaliksik ng Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino