Pangulong Tsino, sinimulan ang dalaw na pang-estado sa Italya

2019-03-22 09:52:50 CRI

Dumating ng Roma, Italya, nitong Huwebes, Marso 21, local time si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang dalaw na pang-estado sa nasabing bansang Europeo.

Sa kanyang pananatili, makikipag-usap si Xi sa mga lider na Italyano kaugnay ng bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Tatayong-saksi rin sila sa paglalagda ng serye ng dokumento at kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan at mga sektor na komersyal. Palalakasin din ng magkabilang panig ang pagtutulungan, sa pamamagitan ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino