Pangulong Tsino, nagpadala ng pakikidalamhati sa Mozambique, Zimbabwe at Malawi; makataong saklolo, ipagkakaloob ng Tsina

2019-03-22 12:18:01 CRI

Kaugnay ng kalamidad na dulot ng tropical cyclone na sumalanta sa Mozambique, Zimbabwe at Malawi, magkahiwalay na nagpadala ng mensahe ng pakikidalamhati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Pangulong Filipe Nyusi ng Mozambique, Pangulong Emmerson Mnangagwa ng Zimbabwe, at Pangulong Peter Mutharika ng Malawi.

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at niya mismo, nagpahayag si Xi ng pakikiramay sa mga nasawi sa kalamidad, at taos-pusong pakikidalamhati sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nasawi't nawawala. Anang mensahe, nananalig siyang sa pamumuno ng mga pamahalaan ng tatlong bansa, tiyak na mapagtatagumpayan ng kani-kanilang mga mamamayan ang kalamidad, at muling itatatag ang tahanan sa lalong madaling panahon.

Nang araw ring iyon, ipinatalastas ni Tian Lin, Tagapagsalita ng China International Development Cooperation Agency (CIDCA), na ipagkakaloob ng Tsina ang pangkagipitang makataong saklolo sa mga pamahalaan ng mga apektadong bansa. Aniya, tutulungan ng Tsina ang naturang 3 bansa na isagawa ang relief works, at ipagkakaloob sa abot ng makakaya ang tulong sa rekonstruksyon, batay sa pangangailangan nila.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino