Tsina, natamo ang progreso sa pagtitipid sa paggamit ng tubig

2019-03-22 19:13:53 CRI

Ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, ay ang World Water Day. Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Wei Shanzhong, Pangalawang Ministro ng Yamang-tubig ng Tsina, na natamo ng bansa ang progreso sa pagtitipid sa paggamit ng tubig, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahigpit na sistema ng pangangasiwa sa yamang-tubig.

Ayon kay Wei, nitong 4 na taong nakalipas, nakontrol ang taunang kabuuang bolyum ng paggamit ng tubig sa buong Tsina. Tumaas ang episiyensiya ng paggamit ng tubig sa kapwa industriya at agrikultura, at napabuti rin ang kalidad ng tubig sa mga pangunahing ilog at lawa ng bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino