Ning Jizhe, bumiyahe sa Indonesia

2019-03-24 16:12:02 CRI

Mula Marso 21 hanggang 23, 2019, bumiyahe sa Indonesia si Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, at magkahiwalay niyang nakausap sina Luhut Binsar Panjaitan, Coordinating Minister of Maritime Affairs, at Rini Suwandi, Ministro ng Kompanyang Ari ng Estado ng Indonesia para mapasulong ang koneksyon ng development policy at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.

Sa panahon ng biyaheng ito, magkasamang nangulo sina Ning at Luhut sa unang pulong ng Magkasanib na Komisyon ng Kooperasyon sa Konstruksyon ng "Regional Economic Corridor" ng Tsina at Indonesia kung saan nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa kooperasyon sa mga malaking proyektong gaya ng "Belt and Road," kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, mga pangunahing puwerto, at sonang industriyal.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino