"Chinese TV Week," pinasinayaan sa Italya

2019-03-24 16:14:00 CRI

Sa okasyon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Italya, pinasinayaan nitong Huwebes, Marso 21, 2019, ang aktibidad ng "Chinese TV Week" na magkakasamang itinataguyod ng China Media Group (CMG) at tatlong pangunahing Italian media group. Magkakasunod na isasahimpapawid ang mahigit 20 Chinese TV documentary at TV series sa Radiotelevisione Italiana (RAI), Mediaset — pinakamalaking commercial media group ng Italya, at Class Editori ng bansang ito.

Dumalo sa aktibidad ng pagsisimula sina Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng CMG, at mga namamahalang tauhan ng iba't-ibang mediang Italyano.

Sa aktibidad, lumagda ang CMG at mga mediang Italyano sa mga Memorandum of Cooperation para maisagawa ang pagpapalitan sa mga larangang gaya ng palitan ng mga impormasyon, pagpapalitan ng mga tauhan, at magkakasamang paggawa ng mga programa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino