CRI Komentaryo: Walang anumang distansya sa pagitan ng mga kaibigan, kahit may sampung libong kilometro ang layo

2019-03-24 16:10:29 CRI

Sa paanyaya ni Prince Albert II, Punong Ehekutibo ng Monaco, isasagawa Linggo, Marso 24, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa bansang ito. Ito ang magiging unang biyahe ng pangulong Tsino sa nasabing bansa. Inilabas nito ang isang malakas na signal na kahit malaki o maliit ang bansa, at kahit malayo o malapit ang distansya, maaaring maging magkatuwang na may kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Noong isang taon, sa pag-uusap sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Prince Albert II, sinabi ni Xi na bamaga't malayo ang Tsina at Monaco, at malinaw ang pagkakaiba ng kalagayang pang-estado, iginigiit ng dalawang bansa ang paggagalangan sa isa't-isa. Ani Xi, mayroon ding kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at umuunlad nang mainam ang bilateral na relasyon ng dalawang panig. Nang balik-tanawin ni Xi ang mga hakbang nitong 20 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Monaco, ito aniya ang totoong modelong pangkooperasyon sa pagitan ng isang maunlad na bansa at isang umuunlad na bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino