Turismo ng Zhaxigang, tampok sa kulturang Tibetano

2019-03-25 16:50:11 CRI

Ang Zhaxigang, nayon sa Linzhi o Nyingchi, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ay kilalang kilala sa likas na yaman at magandang tanawin. Buong-sikap na pinapasulong ng mga taga-Zhaxigang ang kaunlaran ng nayon sa pamamagitan ng turismo.

Sa kasalukuyan, 51 homestay hotel ang binuksan ng mga taga-nayon. Noong 2018, tumanggap ang Zhaxigang ng mahigit 75,000 turista, at lumampas sa apat na milyong yuan RMB ang buong kita rito.

Ang homestay hotel ng isa sa mga taga-Zhaxigang na si Sangjizhuoma

Si Sangjizhuoma habang nagpapakulo ng tubig at naghahanda ng tsaang Tibetano para sa mga turista sa bahay

Isang kuwarto ng homestay hotel na may tatlong kama

Maaaring mag-almusal ang mga turista sa sala ng tradisyonal na bahay na Tibetano

Sa homestay hotel ni Sangjizhuoma, nakikita ang mga kasuotang Tibetano na maaaring isuot ng mga turista at kunan ng larawan

Si Sangjizhuoma at kanyang tatay

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino