Maraming mangangalakal, kalahok sa China Development Forum: pagbubukas ng Tsina, nagpapasulong ng kasaganaan ng kabuhayang pandaigdig

2019-03-25 17:26:17 CRI

Idinaraos dito sa Beijing ang China Development Forum (CDF) sa 2019 na may temang "Pananatili ng Pagbubukas, Pagpapasulong ng Kooperasyon at Win-win Situwasyon." Ipinahayag ng mga kalahok na mangangalakal na dahil sa matatag na pagpapasulong ng komprehensibong pagbubukas at konstruksyon ng Belt and Road Initiative, ang Tsina ay magiging pangunahing taga-istabilisa at pinagkukunan ng puwersa ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig.

Ang China Development Forum ay ang unang porum na idinaraos pagkatapos ng Dalawang Sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, at ito rin ay plataporma ng bilateral na pagpapalitan, pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagpapahigpit ng kooperasyon ng Tsina at daigdig. Sa porum ng taong ito, mahigit 150 ekonomista, opisyal ng mga pandaigdigang organisasyon, at mga namamahalang tauhan ng TOP 500 na bahay-kalakal ng daigdig ang kalahok at nagtatalakayan sa mga isyu hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas at kooperasyong pandaigdig para sa win-win na situwasyon.

Ipinahayag ni Dieter Zetsche, Tagapangulong dayuhan ng CDF at Tagapangulo ng Board ng Daimler AG na maraming bahay-kalakal na kinabibilangan ng Daimler AG ang lumalahok, sumasaksi, nagbibigay ng ambag sa patakaran ng reporma at pagbubukas, at pag-unlad ng Tsina at nagtatamo ng benepisyo mula rito.

Ipinahayag naman ni Peter T. Grauer, Tagapangulo ng Bloomberg LP na ang pagbubukas ng pamilihang pinansyal ng Tsina ay magiging isa sa mga pinakamalaki at pinakainaasahang pagbabago ng daigdig, at ito ay magdudulot ng pagkakataon ng pamumuhunan sa mahabang panahon.

Samantala, winika ni Andrew S. Mackenzie, CEO ng BHP Billiton ng Australia na ang Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina ay puwedeng magsulong ng mas malawak na cross-border na kooperasyon at liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino