Bukas na kabuhayang pandaigdig, tampok ng taunang pulong ng BFA sa 2019

2019-03-26 15:14:35 CRI

Si Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA

Nagsimula ngayong araw, Marso 26, 2019, sa Boao, probinsyang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) na may temang "Komong Kapalaran, Komong Aksyon, Komong Kaunlaran."

Ayon kay Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, tungkol sa nasabing tema, mahahati ang porum sa limang paksang kinabibilangan ng bukas na kabuhayang pandaigdig. Sinabi niya na layon ng paksa ng bukas na kabuhayang pandaigdig na analisahin ang kasalukuyang kabuhayang pandaigdig para magkaroon ng kalutasan ang mga kinakaharap na hamon ng globalisasyon.

Napag-alamang lumalahok sa porum ang mahigit 2,000 kinatawan mula sa 60 bansa't rehiyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino