Demokratikong reporma, lubusang nagpabago sa Tibet

2019-03-27 16:34:13 CRI

Ipinalabas ngayong araw, Marso 27, 2019 ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Demokratikong Reporma ng Tibet, Nitong 60 Taong Nakalipas."

Sinabi nitong ang demokratikong reporma sa Tibet ang pinakadakila at pinakamalalim na pagbabagong panlipunan sa kasaysayan ng rehiyong awtonomo. Bunga nito, napawalang-bisa ang madilim na feudal serfdom sa Tibet at naitatag ang panibagong sistemang panlipunan. Naisakatuparan din ang kalayaan ng mga mamamayang Tibetano, at sila ang naging amo ng sariling bansa at lipunan. Dahil dito, lubusan ding naigagarantiya ang kanilang iba't-ibang uri ng karapatan.

Ayon sa white paper, isinagawa sa Tibet ang feudal serfdom sa mahabang panahon, at nasadlak sa napakasamang kondisyon ang mahigit isang milyong serf. Tumigil ang sistemang ito noong taong 1959 dahil sa demokratikong reporma sa Tibet.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino