2019 MIECF, idinaos sa MacaoSAR

2019-03-29 15:49:36

2019 MIECF, idinaos sa MacaoSAR

Sa Macao, Mula Ika-28 hanggang Ika-30 ng buwang ito, idinadaos ang Macao International Environmental Co-operation Forum & Exhibition 2019 (MIECF) na itinataguyod ng pamahalaan ng Macao Special Administratione Region (SAR). Ang tema ng MIECF ay “Pagtatag ng Sibilisasyong Ekolohikay, Pagpapasulong ng Berdeng Pag-unlad,” na naglalayong itatag ang isang berdeng pandaigdig na plataporma ng pagpapalitan hinggil sa pananaliksik ng pakataran ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapalitan ng teknolohiya ng industriya ng pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.


Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Chan Hoi Fan, Punong Ehekutibong Tagapagpatagad ng Macao ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdaraos ng MIECF, lubos na gaganap ng masusing papel ang Macao SAR, para pasulungin ang pagpapalitan ng buong daigdig sa tema ng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.


Ipinahayag ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina na aktibong pinapasulong ng bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa Macao SAR sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Sa hinaharap, lalo pang palalakasin ang koopersayong pansiyensiya at pangteknolohiya sa Macao SAR sa larangan ng pangangalagaan sa kapaligiran. 

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino