2019 China Beijing International Horticultural Exhibition: sinimulan ang day countdown

2019-03-30 16:29:57

2019 China Beijing International Horticultural Exhibition: sinimulan ang day countdown


Kahapon, sinimulan ang 30-day countdown para sa 2019 China Beijing International Horticultural Exhibition. Ayon sa pahayag ni Ye Da Hua, Pangalawang Puno ng Beijing International Horticultural Exhibition Coordination Bureau na noong ika-25 ng Marso, opisyal na nagbukas ang Media Registration System.


Ipinahayag ni Ye Da Hua na lalahok sa eksibisyong ito ang 110 bansa at pandaigdigang organisasyon, at ang mga horticulture masters mula sa buong daigdig ay maaaring magtanghal ng kanilang artworks sa pamamagitan ng plataporma ng gaganaping horticultural exhibition.


Pagkatapos ng 1999 Kunming World Horticulture Exposition at 2010 Shanghai World Expo, ang 2019 Beijing Horticultural Exhibition ay pandaigdigang ekspo na nasa pagtataguyod ng Tsina sa pinakamataas na antas at pinakamalaking saklaw. Idaraos ito mula ika-29 ng Abril hanggang Ika-7 ng Oktubre, sa Yanqing District ng Beijing.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino