Top 10 tuklas na arkeolohikal ng Tsina noong 2018, inilabas

2019-03-30 17:35:44 CRI

Inilabas nitong Biyernes ng State Administration of Cultural Heritage ng Tsina ang sampung pinakamahalagang tuklas na arkeolohikal ng bansa para sa taong 2018, na pinili ng mga arkeologong Tsino.

Narito ang listahan ng sampung tuklas:

1. Relikyang kinabibilangan ng fossil ng buto ng tao at lutuan na napetsahan 10,000 hanggang 25,000 taon na ang nakakaraan na natuklasan sa Qingtang Town, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina

2. 212 sinaunang puntod na napetsahan mga 5,000 taon ang nakakaraan sa Neolithic Age sa lalawigang Hubei, sa sentral na Tsina

3. Ang tuklas ng Lushanmao Site sa Yan'an, lunsod ng lalawigang Shaanxi ay nagpapahiwatig na 2,300 taon mas maaga ang kasaysayan ng nasabing siyudad.

4. Ang tuklas sa Jartai Pass Site, Xinjiang Uygur Autonomous Region ay nagpatunay sa sanlibong taong mas maagang paggamit ng tao ng karbon.

5. Libingan ng Dinastiyang Shang (mga 1600-1046 BC) sa lalawigang Shanxi

6. Relikya ng Dinastiya ng Silangang Zhou (770-256 BC) sa lalawigang Shaanxi

7. Relikya ng Huangsipu Site ng Dinastiyang Tang (618-907) ng lalawigang Jiangsu

8. Relikya ng Dinastiyang Jin (1115-1234) sa Zhangjiakou, lunsod ng lalawigang Hebei

9. Relikya ng Fanjiayan Site ng Dinastiya ng Timog Song (1127-1279), sa Chongqing Municipality

10. Relikya ng lumubog na bapor noong panahon ng Digmaang Sino-Hapones (1894-1895), sa lalawigang Liaoning.

Inilalabas ng Tsina ang taunang 10 pinakamahalagang tuklas na arkeolohikal sapul noong 1990.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino