2019 World Industrial Design Conference, gaganapin sa Yantai

2019-03-31 15:22:30 CRI

Ipinatalastas sa Viena, Marso 29, 2019, ng Organizing Committee ng World Industrial Design Conference (WIDC) na gaganapin ang 2019 WIDC at Industrial Design World Expo sa lunsod Yantai, probinsyang Shandong ng Tsina, sa darating na Oktubre.

Ayon sa ulat, ang 2019 WIDC ay ini-host ng Komisyong Tagapag-organisa ng WIDC; ini-organisa ng China Industrial Design Association (CIDA), at sinusuportahan ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) na may punong himpilan sa Viena. Inaasahang dadalo sa pulong ang mahigit 2,000 kinatawan mula sa mahigit 30 bansa't rehiyon ng buong mundo.

Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Bernardo Calzadilla-Sarmiento, Puno ng Department of Trade, Investment and Innovation ng UNIDO, na sa mga aspektong gaya ng pagpapataas ng kalidad, pagpapalaki ng karagdagang halaga, at pagpapataas ng kakayahang kompetitibo ng industriya ng paggawa at serbisyo, napapatingkad ng disenyong industriyal ang masusing papel.

Layon ng WIDC na pasulungin ang pinagsama-samang pag-unlad ng inobasyon sa disenyo sa daigdig, at kabuhayan at lipunan.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino