Pangulong Tsino, bumati sa pagdaraos ng Ika-30 Pulong ng Konseho ng LAS

2019-03-31 16:58:13 CRI

Ipinadala Linggo, Marso 31, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Beji Caid Essebsi ng Tunisia bilang pagbati sa pagdaraos ng Ika-30 Pulong ng Konseho ng League of Arab States (LAS) sa Tunis.

Tinukoy ni Xi na palagiang nagsisikap ang LAS para mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong Gitnang Silangan. Aktibo aniyang itinataguyod ng LAS ang paglutas sa mga maiinit na isyung pulitikal sa paraang pulitikal. Ani Xi, hanga siya sa mga ito.

Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Arabe para magkakasamang makalikha ng mas magandang kinabukasan ng estratehikong partnership ng dalawang panig.

Salin: Li Feng 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino