Tatlong tampok sa biyahe ng unang ginang Tsino sa Europa

2019-04-01 09:41:46 CRI

Mula Marso 21 hanggang Marso 26, 2019, nagsagawa ng dalaw pang-estado sa Italya, Monaco at Pransya si Pangulong Xi Jinping at kanyang asawang si Peng Liyuan.

Para kay Propesor Peng, tulad ng dating mga biyahe sa ibayong dagat, tampok ang tatlong aspekto sa katatapos niyang pagdalaw sa Europa. Kabilang sa mga ito ay mga opisyal na aktibidad, aktibidad ng pangkawanggawa, at aktibidad na pansining.

Kabilang sa mga opisyal na aktibidad ni Peng ay pagdalo, kasama ni Pangulong Xi sa seremonyang panalubong, talumpati, at bangketeng panalubong.

Sa Nice, Pransya, pakikipagtagpo kay Pangulong Emmanuel Macron at kanyang asawa

Seremonyang panalubong sa Arc de Triomphe, Paris, Pransya

Bangketeng panalubong sa Pransya

Seremonyang pandespedida

Si Propesora Peng ay nanunungkulan bilang World Health Organization (WHO) Goodwill Ambassador for Tuberculosis and HIV/AIDS. Nagsisilbi rin siya bilang Special Envoy for the Promotion of Girls' and Women's Education ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Si Propesora Peng habang dumadalaw sa punong himpilan ng UNESCO na nakabase sa Paris, noong Nobyembre, 2015

Sa katatapos na biyahe sa Paris, lumahok si Propesora Peng sa espesyal na sesyon ng UNESCO

Sa kanyang talumpati sa nasabing espesyal na sesyon, ipinahayag ni  Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng UNESCO, ang paghanga kay Peng bilang isang alagad ng sining, anak ng guro, at propesora ng musika.

Ang pagtatanghal na inihandog para kay Peng sa Palasyo ng Monaco


Ang palabas bilang panalubong kay Peng sa Italya

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino