Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa China Pacific Tourism Year 2019

2019-04-01 15:42:24 CRI

Apia, Samoa — Binuksan Lunes, Abril 1, 2019, ang China Pacific Tourism Year 2019. Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa seremonya ng pagbubukas nito.

Ipinagdiinan ni Xi na ang pagdaraos ng China Pacific Tourism Year 2019 ay mahalagang komong palagay na narating nila ng mga lider ng mga bansang Pasipiko. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng dalawang panig ang pagkakataong ito para mapalawak ang pagpapalitang pangkultura, mapasulong ang pragmatikong kooperasyon, mapalalim ang pag-uunawaan, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at mga bansang Pasipiko.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino