Batas sa pagpapasulong ng mga SME, ipinapatupad ng punong lehislatura ng Tsina

2019-04-03 09:08:22 CRI

Inilunsad ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina ang inspeksyon sa pagpapatupad ng Batas sa Pagpapasulong ng mga Maliit at Katamtamang Laking Bahay-Kalakal (SME), para mapabuti ang kapaligirang legal at pangnegosyo.

Ito ang ipinahayag ni Li Zhanshu, punong lehislador ng Tsina sa unang sesyong plenaryo ng programa ng nasabing inspeksyon na ginanap sa Beijing nitong Martes, Abril 2.

Ayon kay Li, ang mga grupo ng inspektor ng NPC ay ipapadala sa anim na lalawigan at rehiyon para maprotektahan ang lehitimong karapatan at interes ng mga SME at pribadong mangangalakal, at magbigay ng patnubay sa malusog na pag-unlad ng mga SME. Kasabay nito, inawtorisahan din ng NPC ang mga organong lehislatibo sa iba pang walong lalawigan at lugar ng bansa para matupad ang naturang misyon.

Inilunsad ng Tsina ang Batas sa Pagpapasulong ng mga SME noong 2002, at sinusugan ito noong Setyembre, 2017. Nagsimulang magkabisa ang rebisadong batas noong unang araw ng 2018.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino