Digital economy ng Tsina, umabot sa 31 trilyong yuan RMB

2019-04-03 12:09:48 CRI

Ayon sa pinakahuling datos, hanggang katapusan ng 2018, umabot sa 31 trilyong yuan RMB ang halaga ng digital economy ng Tsina, at katumbas ito ng 1/3 ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ito ang winika ni Yang Xiaowei, Pangalawang Puno ng Cyberspace Administration ng Tsina sa preskon nitong Martes, Abril 2 sa Beijing.

Hanggang sa katapusan ng 2018, lumampas sa 43.58 milyong kilometro ang haba ng optical cable sa Tsina, at umabot sa 1.17 bilyon ang bilang ng users ng 4G network, dagdag pa ni Yang.

Saad naman ni Wu Hao, opisyal ng National Development and Reform Commission, na ang umuunlad na digital economy ay malakas na nagpasulong ng konsumo, hanap-buhay, transpormasyon at upgrading na industriyal, at pagpapadali ng administrasyon ng bansa.

Sinabi rin ni Yang na, sa hinaharap, pabubutihin ng Tsina ang 5G network, at pasusulungin ang integrasyon ng digital economy at real economy.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino