Ika-2 Digital Development Summit, itataguyod ng Tsina

2019-04-03 12:09:02 CRI

Nakatakdang idaos ng Tsina ang Ika-2 Summit sa Digital Development mula Mayo 6 hanggang 8, sa Fuzhou, punong lunsod ng Fujian sa dakong timog ng Tsina. Inaasahang lalahok dito ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, multinasyonal na bahay-kalakal, dayuhang bahay-kalakal na nakabase sa Tsina, think tank, at iba pa.

Ito ang ipinatalastas ni Yang Xiaowei, Pangalawang Puno ng Cyberspace Administration sa preskon ng Konseho ng Estado, gabinate ng Tsina nitong Martes, Abril 2, sa Beijing.

Dagdag pa ni Yang, ang gaganaping summit ay magsisilbing plataporma ng pagpapalitan at pagtututulungan, kung saan ibabahagi ng Tsina ang karanasan nito sa pagpapaunlad ng "Digital China" at pasusulungin ang pandaigdig na kooperasyon hinggil sa digital development.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino