Tsina, umaasang mapangangalagaan ang pangmatagalang kapayapaan at kaligtasan sa kalawakan

2019-04-04 10:11:58 CRI

Ayon sa impormasyong ipinalabas kamakailan ng Ministring Panlabas ng Rusya, sinabi nitong pinag-usapan ng mga eksperto sa Geneva, sa gitna at huling dako ng nagdaang buwan ang tungkol sa pandaigdigang batas na naglalayong pigilan ang arms race sa kalawakan. Anito, magkakasamang nagsikap ang mga eksperto mula sa 25 bansang gaya ng Rusya, Tsina, at Brazil para balangkasin ang napagkasunduang dokumento. Ngunit dahil sa paghadlang ng Amerika sa mga grupo ng eksperto, hindi pumasa ang pinal na ulat.

Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules, Abril 3, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ikinalulungkot ng panig Tsino ang hinggil dito. Umaasa aniya ang panig Tsino na aktibong makikilahok ang iba't-ibang kaukulang panig sa proseso ng arms control sa kalawakan para totohanang mapangalagaan ang pangmatagalang kapayapaan at kaligtasan nito.

Dagdag pa ni Geng, palagiang naninindigan ang panig Tsino para sa mapayapang paggamit ng kalawakan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino