Pagtaas ng presyo ng mga bike-sharing platform, nakakatulong sa malusog na pag-unlad ng industriyang ito

2019-04-08 15:59:57 CRI

Idineklara kamakailan ng mga bike-sharing platform ang pagtaas ng presyo ng kanilang serbisyo. Ayon sa isang poll kung saan lumahok ang mahigit 3,600 netizen, ipinalalagay ng kalahati ng mga respondant, na sobrang malaki ang itinaas ng presyo, samantalang halos 30% naman ng mga respondant ang naghayag ng kanilang pag-unawa sa pagtaas ng presyo.

Hinggil dito, ipinahayag ng mga dalubhasa na ang pagtaas ng presyo ng mga bike-sharing platform ay nakakatulong sa malusog na pag-unlad ng industriyang ito. Anila, makaraang itaas ang presyo, mababawasan ang presyur ng gastos ng mga bike-sharing platform. Dapat puspusang magsikap ang mga bike-sharing platform para mapabuti ang kanilang pamamahala, malutas ang mga problema, at mapataas ang kalidad ng serbisyo sa mga gumagamit ng bisikleta, dagdag pa ng mga dalubhasa.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino