Premyer Li Keqiang ng Tsina at PM Charles Michel ng Belgium, nagtagpo

2019-04-10 17:04:27


Sa Egmont Palace, Belguim, nagtagpo kahapon ng umaga (local time), sina Premyer Li Keqiang ng Konseho ng Estado ng Tsina at Punong Ministro Charles Michel ng Belgium.


Positibong pinahahalagahan ni Permyer Li ang kasalukuyang relasyon ng Tsina at Belgium. Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsinan a pasulungin ang pag-unlad ng komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa para matamo ang bagong progreso. Nakahanda aniya ang Tsina na palawakin ang pag-aangkat ng mga produktong may high added value at angkop sa pangangailangan ng pamilihang Tsino.


Ipinahayag din niya ang pag-welkam sa Belgium sa paglahok nito sa Ikalawang China International Import Expo. Bukod dito, sinabi ni Li na nakahanda rin ang Tsinan a isakatuparan ang Memoradum of Understanding sa Third Party Market Cooperation (CIIE) para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig sa Aprika.


Ipinahayag naman ni Charles Michel na mataas na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina, at nakahanda ang Belgium, na lalo pang palakasin ang diyalogo sa Tsina, palalalimin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang tulad ng kalakalan, agrikultura, bapor at iba pa. Inaasahan ni Michel na magtatagumpay ang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Unyong Europeo, magkakasamang mapapangalagaan ang multilateralismo, mapapasulong ang pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at EU, at maisasakatuparan ang win-win na resulta. Inaasahan din niyang gaganap ng mas mahalagang papel ang Tsina sa mga suliraning pandaigdig.


Kahapon ng hapon, sa punong himpilan ng European Council sa Brussels, magkakasamang pinanguluhan nina Premyer Li Keqiang, Pangulong Donald Tusk ng European Council at Pangulong Jean-Claude Juncker ng European Commission, ang Ika-21 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at EU.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino