Daambakal sa Sri Lanka na itinayo ng Tsina, naisaoperasyon

2019-04-10 17:09:26


Noong ika-8 ng buwang ito, opisyal na naisaoperasyon ang urong yugto ng proyekto ng daambakal sa timog ng Sri Lanka na itinayo ng kompanyang Tsino. Ito ang kauna-unahang bagong daambakal pagkatapos ng pagsasarili ng Sri Lanka noong taong 1948.


Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagsasaoperasyon ng naturang daambakal ay makakabuti sa pagpapataas ng lebel ng ginhawa ng komunikasyon sa dakong timog ng Sri Lanka at magpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyong ito. Masayang-masaya ang mga mamamayan ng Sri Lanka hinggil dito at masaya rin ang panig Tsino para sa mga mamamayan ng Sri Lanka, ani Lu. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Sri Lanka, para palakasin ang aktuwal na kooperasyon sa loob ng framework ng Belt and Road Initiative (BRI), para magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng Sri Lanka sa pamamagitan ng aktuwal na bunga.

 Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino