Mahigit tatlong dekadang pagpupursige ng isang tagapangalaga sa kagubatan

2019-04-17 15:13:27 CRI

zhangmalin

Tatlumpu't walong (38) taon na ang pangangalaga ng 57 taong gulang na si Zhang Malin sa kagubatan ng Natural Reserve ng Pinanggagalingan ng Ilog Gan sa lalawigang Jiangxi sa dakong timog ng Tsina.

Noong 1981, nagsimulang magtrabaho sa nasabing reserba ang 19 na taong gulang na si Zhang. Sapul noon, araw-araw siyang naglilibot at nagsusuri sa reserba para maprotektahan ang likas na yaman. Di-kukulangin sa dalawampung kilometro ang nilalakad niya araw-araw. Salamat sa pagsisikap at pagpupursige ni Zhang at mga kasamahan niya, natigil na ngayon sa reserba ang ilegal na pagtotroso at pangangaso.

Nang banggitin ang hinggil sa pagbibigay ng kabataan niya sa pangangalaga sa reserba, ani Zhang, "Gusto ko lang protektahan ang sariwang katubigan at berdeng kagubatan para sa mga darating na henerasyon."

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino