Kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng 2019, lumaki ng 6.4%

2019-04-17 15:28:29 CRI

Ayon sa datos na isinapubliko Miyerkules, Abril 17, 2019, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, matapos ang inisyal na pagbilang, noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 21.3 trilyong Yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa. Ito ay mas malaki ng 6.4% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Ayon kay Mao Shengyong, tagapagsalita ng nasabing kawanihan, sa kabuuan, nasa makatwirang lebel pa rin ang pambansang kabuhayan noong unang kuwarter. Ipinagpapatuloy aniya ang matatag na tunguhin ng pag-unlad. Dahil sa parami nang paraming positibong elemento, mayroong magandang pundasyon para sa matatag at malusog na paglaki ng kabuhayan sa buong taon, dagdag niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino