Added-value na industriyal ng Tsina, tumaas ng 6.5%

2019-04-24 12:54:36 CRI

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Martes, Abril 23 ng Ministri ng Industriya at Panteknolohiyang Impormasyon ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 6.5% ang pagtaas ng added-value na industriyal ng bansa. Mas mataas ito ng 0.8% kumpara sa ikaapat na kuwarter ng 2018, at 0.3% kumpara sa taong 2018.

Anang nasabing ministring Tsino, bunga ng mga pambansang patakarang preperensyal na gaya ng pagbabawas ng buwis at bayarin ng mga micro at maliliit na bahay-kalakal, naging matatag ang takbo ng kabuhayang industriyal ng bansa nitong unang tatlong buwan ng taong ito.

Ipinahayag din ng ministring Tsino ang kahandaan na ibayo pang magbukas sa labas sa sektor na industriyal.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino