Tatlong petisyon pinagsama-sama na ng Korte Suprema

2016-08-19 18:44:37

PINAGSAMA-SAMA na ng Korte Suprema ang tatlong hiwalay na petisyong kontra sa paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani.  Inatasan din ng Korte Suprema ang pangalawa at pangatlong grupo ng mga nagpetisyon na bigyan ng sipi ng kanilang mga petisyon ang mga kinatawan ng pamahalaan at pamilya Marcos pagsapit ng ika-apat ng hapon kanina.

Binigyan ng Korte Suprema ang pamahalaan ng hanggang ika-sampu ng umaga sa Lunes upang tumugon sa tatlong petisyon.  Magkakaroon din ng preliminary conference sa mga isyung pag-uusapan sa oral arguments sa Miyerkoles, ika-24 ng Agosto.  Gaganapin ang premilinary conference sa Lunes ng hapon.

Unang laman ng deriktiba sa pamahalaan na sagutin ang petisyon na ipinarating noong Lunes nina dating Congressman Satur Ocampo at Neri Colmenares at mga kasapi ng Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacanang o CARMMA at Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA).

Nagpetisyon din ang mga kasapi ng Families of Victims of Involuntary Disapperance o FIND sa pamumuno ni Congressman Edcel C. lagman, Teddy Brawner Baguilat, Jr. Tomasito S. Villarin, Edgard Erice at Emmanuel A. Billones.

Kaninang umaga, pinamunuan naman ni dating Commission on Human Rights Chair Loretta Ann P. Rosales ang mga kapwa biktima ng batas militar na kanilang sa Coalition Against Marcos Burial ang pagpaparating ng ikatlong petisyon.

Ang mga sasagot sa panig ng pamahalaan ay sina Executive Secretary Salvador S. Medialdea, Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, AFP Chief of Staff General Ricardo R. Visaya, AFP Deputy Chief of Staff Rear Admiral Ernesto Enriquez at Philippine Veterans Affairs Office chief Lt. General Ernesto G. Carolina.

Ang mga Marcos ay magkakaroon din ng mga kinatawan sa pamamagitan ni dating First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Second District Congresswoman Imelda Romualdez Marcos.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino